APRIL 11, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
HEADLINES
 
PASG may sinampolan sa rice hoarding
 

Nakatakdang sampahan ng kasong ‘economic sabogate’ ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) ang may-ari ng Vertex International Product and Exchange Corporation (VIPEC) matapos madiskubre ang P20 mil­yong halaga ng imported na bigas sa kanilang warehouse sa Cubao, Quezon City.

Ayon kay PASG Head Undersecretary Antonio ‘Bebot’ A. Villar Jr., ang nagmamantini ng nasabing warehouse ay isang Ricardo Luz na siya ring tumatayong presidente ng VIPEC na may warehouse sa #10 Manhattan St., Cubao, Quezon City ay nadiskubreng walang kaukulang permiso mula sa National Food Authority (NFA).

Dahil sa kawalan ng permit at pagkakatuklas sa 20,000 sako ng Jasmine rice mula sa Thailand, pinaniniwalaang ang VIPEC ay nagho-hoard ng bigas at ang produkto ay ibebenta lamang sa sandaling tumaas ang presyo.

Sa isinagawang inspeksyon at pagbusisi sa mga dokumento ng VIPEC, natuklasan ni Villar na ang warehouse ay may business license bilang wholesaler ng softdrinks, alak at sigarilyo.

Nadiskubre rin na ang VIPEC ay pumasok sa Dead of Assignment sa pagitan ng Sapang Multi-purpose Coo­perative sa Mocada, Tarlac para ang huli ang kumuha ng alokasyon sa imported na bigas, gayunman ito ay labag sa panuntunan ng NFA.

Ang pagkakasamsam sa mga sako ng bigas ayon kay Villar ay itinurn-over sa gobyerno para sa kaukulang disposisyon ng NFA.

Sinabi pa ni Villar na ang giyera ng PASG laban sa rice hoarding ay bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na tulungan ang gobyerno sa pagresolba sa napaulat na kakulangan sa suplay ng bigas.

Ibinunyag pa ni Villar ang pagpapaigting ng kam­panya ng PASG laban sa rice hoarding sa Visayas region lalo na sa lalawigan ng Cebu.

 

Microsoft Internet Explorer 7