APRIL 11, 2008
NEWS ADVERTISE About the company Contact Info ARCHIVES
SEARCH Abante-Tonite
Abante Online
EDITORIAL & OPINION
 
Solusyon sa krisis
Tonite Editorial


Ipagbabawal na ng gobyerno ang pagbebenta ng National Food Authority (NFA) rice sa mga pampublikong pamilihan at sa halip ay ipapaubaya na lamang sa local government units (LGUs) katuwang ang simbahan sa paglalako sa depressed communities.

Ang hakbang ay upang matigil ang pagsasamantala ng mga tiwaling NFA officials at negos­yante na naghahalo ng NFA rice sa ibang commercial rice upang maibenta ito sa mas mataas na halaga.

Naniniwala ang gobyerno na sa ganitong paraan ay hindi na makagagawa ng kalokohan ang NFA officials dahil direkta nang makakarating sa LGUs at simbahan ang mga bigas ng NFA.

Maikukunsiderang tumpak ang desisyong ito ng gobyerno, maaaring sa pamamagitan ng ganitong sistema kung hindi man tuluyang mabura ang iregularidad ay mabawasan man lamang.

Pero may nakakatakot pa rin sa ganitong sistema dahil pupuwedeng ang LGUs naman ang gumawa ng kalokohan.

Batid naman nating may kalokohan ding itinatago sa LGUs dahil nauso rin dito ang ghost delivery ng mga supplies at serbisyo.

Dahil napakahirap ipatupad ang transparency sa ganitong bagay ang pinakama­buting gawin na lamang ay tutukang mabuti ang bawat LGU at tiyaking makarara­ting sa depressed areas ang mga murang bigas na ibebenta ng NFA.

 

Microsoft Internet Explorer 7