APRIL 09, 2013 TUESDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
APRIL 08, 2013
As of 2:00 pm
U. States 41.3019
Bahrain Dinar 109.560
Can Dollar 40.6089
Euro 53.5876
Aus Dollar 42.8656
HK Dollar 5.32210
Japan Yen 0.419230
Saudi Riyal 11.0135
S’pore Dollar 33.2816
Taiwan Dollar 1.37698
UAE Dirham 11.2503
UK Pound 63.2892
 
Custom Search
Pinitpit na luya
AL S. MENDOZA

Talagang talo si Brian Viloria, tsamp sa WBO at WBA flyweight divisions. Siya'y nautakan.

Hinay-hinay sa umpisa si Viloria, panay suntok naman agad si Juan Francisco Estrada sa first round pa lamang.

Ang istratehiya ni Estrada: Pagurin si Viloria.

Para maisakatuparan ang istratehiya, ang taktika'y paulanan lagi ng suntok si Viloria.

Di kasi, edad 32 na si Viloria samantalang 22 lang si Estrada.

Sa 36 fights, lamog na rin si Viloria kumpara sa 25 fights pa lamang ni Estrada.

Kulang na rin sa lakas ang suntok ni Viloria dahil di man lang ininda ni Estrada, taga-Mexico, ang ilang mga malulutong na patama sa mukha.

Iba kasi pag bata ka pa. Matibay ang iyong katawan pati na ang baba.

Pero kung sa umpisa pa lang ay humaginit na ng bitaw si Viloria, Filipino-American na laking Hawaii, tingin ko'y may paglalagyan si Estrada.

Di ba't binansagang Hawaiian Punch si Viloria dahil sa kanyang natatanging suntok na tumuhog na ng 32 panalo, 18 riyan ay laban sa mga kababayan ni Estrada?

Pero noong Sabado sa Macau, wala akong nakitang anghang mula sa mga kamao ni Viloria.

Halos malaglag nga ako sa silya sa 115-113 iskor ng huradong Levi Martinez pabor kay Viloria. Sina Michael Pernick (116-111) at Robert Hoyle (117-111) ay boto kay Estrada.

Sa aking iskor, 4 rounds lang kay Viloria.

Parang pinitpit na luya ang mukha ni Viloria. Nakakaawa. Kailangan niyang magpahinga. Nang matagal-tagal.

 
 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION