APRIL 07, 2013 SUNDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
APRIL 06, 2013
As of 2:30 pm
U. States 41.1599
Bahrain Dinar 109.192
Can Dollar 40.5997
Euro 53.1885
Aus Dollar 42.9195
HK Dollar 5.30101
Japan Yen 0.421915
Saudi Riyal 10.9757
S’pore Dollar 33.1748
Taiwan Dollar 1.37429
UAE Dirham 11.2061
UK Pound 62.6557
 
Custom Search
Number coding, pinalawak
(Armida Rico)
 

Pinaalalahanan ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na pinalawak na ang sakop ng Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme sa Metro Manila.


Kahapon ay nilagdaan ni MMDA Chairman Francis Tolentino ang Memorandum Circular Number 06 Series of 2013 kung saan nakapaloob ang panuntunan ng implementasyon sa UVVRP at magi­ging epektibo lamang ito ng 15-araw matapos mailathala sa mga pahayagan.


Sinabi ni Tolentino na hindi lusot ang mga bagong sasakyan na wala pang license plates mula sa Land Transportation Office (LTO) sa UVVRP.


Aniya, nakasaad sa circular na ang mga may-ari at negosyante ng bagong sasakyan ay hindi nararapat tanggalin ang conduction sticker mula sa sasakyan.


Dapat nakadikit sa unahan at likurang bahagi ng bagong sasakyan na nakalaan para sa mga regular na plaka ng sasakyan ang mga conduction sticker.


Kung wala pang plaka ang isang bagong sasak­yan, ang huling numero ng conduction sticker nito ang magiging basehan upang matukoy kung anong araw ito bawal sa mga lansangan sa Metro Manila.

 
HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION