May mall tour si Gretchen Barretto kaugnay sa promo ng unang album niyang Unexpected, na certified gold.
Magsu-show siya ngayong Sabado sa SM Davao, sa Abril 12 sa SM Cebu, at sa Abril 26 sa SM Dasmariñas.
Para sa mga katanungan, tawagan ang Backroom sa tel.# 435-1108, 435-1120.
***
Magsisimula na ang reality talent search na Pinoy Idol ngayong Sabado, pagkatapos ng Pinoy Records sa GMA 7.
Nagpa-auditions ang paligsahan sa Cagayan de Oro, Cebu. Batangas, Davao, Iloilo, Mega Manila, Dagupan at Clark.
Ang host ay si Raymond Gutierrez, at ang mga hurado ay sina Ogie Alcasid, Jolina Magdangal at Wyngard Tracy.
***
Masusulyapan na ang 30 aspiring Pinoy Dream Academy scholars sa pagsisimula ng Mga Kuwento sa Likod ng Pangarap: The Pinoy Dream Academy Primers ngayong Sabado (Abril 5) habang ipinapalabas ang Pinoy Big Brother Teen Edition Plus.
Sa pangunguna ni Yeng Constantino, kilatisin ang talento ng semi-finalists na sa isang iglap ay maaaring mabago ang buhay.
Kaabang-abang din ang audition footages ng mga sumubok ngunit hindi masyadong pinalad na scholars buhat pa sa iba’t ibang parte ng mundo.
Sinu-sino ang mapipili ni Headmaster na pumasok sa Pinoy Dream Academy?
Alamin iyan mamaya pagkatapos ng I Am KC sa ABS-CBN.
***
Panauhin ang British pop musical group na Swing Out Sister sa ASAP bukas sa ABS-CBN.
Ibabalik nila tayo sa mga paborito nating 80s songs tulad ng Breakout.
***
Pinagtibay ng Korte Suprema ang hatol na GUILTY kay Cristy Fermin sa kasong libel na isinampa laban dito nina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez.
Pinagbabayad ng Korte Suprema si Cristy ng P1M sa mag-asawa.
Pag-uusapan kaya nina Cristy at Ruffa Gutierrez ang bagay na ito sa The Buzz bukas? (Aba! Hindi ba’t si Cristy ang pangunahing tagapagtanggol ni Ruffa sa isyung isnaban nito kay Lani Mercado kamakailan?)
Panauhin din sa The Buzz bukas si Annabelle.
Magso-sorry kaya si Cristy kay Bisaya?
***
Pitong ‘idol sa dancefloor’ ang magkakalaban sa All Star ‘K’ The P1,000,000 Videoke Challenge bukas nang gabi sa GMA 7.
Pasiklaban sa pagbi-videoke ang Sexbomb Dancers na sina Jovel, Aifa, Louise, Michelle, Sunshine, Mika at Weng.
Ang hired K!Ller ay si Raymond Gutierrez.
Maka-P1M kaya ang winner?
***
Nagsama-sama muli ang Boston boyband na New Kids On The Block, na nakabenta ng mahigit 70 milyong album noong 1980s at early 1990s.
Mahigit 20 taon na ang lumipas nang lumabas ang multi-platinum album nilang Hanging Tough.
Nalalapit na sa edad 40 ang NKOTB, na may bagong album at magko-concert tour.
“I had no interest going out on a nostalgia tour and singing the same material,” said sabi ni Donnie Wahlberg, 38.
Idinagdag niya, “We absolutely will do the old songs for sure.”
1994 nang mabuwag ang New Kids On The Block.
Si Donnie Wahlberg ay umarte sa TV at pelikula. Sina Jordan Knight, Joey McIntyre at Danny Wood ay nag-release ng kani-kanyang solo album. Si Jonathan Knight (kapatid ni Jordan) ay naging real estate developer.
Ang report na ito ay hinalaw sa AP.