APRIL 04, 2013 THURSDAY homehulaan bluessportspublic servicePinoy Nobela
Become a fan on facebook
Follow us on twitter
Exchange Rate
APRIL 03, 2013
As of 12:30 pm
U. States 40.9150
Bahrain Dinar 108.505
Can Dollar 40.3168
Euro 52.3924
Aus Dollar 42.7695
HK Dollar 5.27167
Japan Yen 0.437384
Saudi Riyal 10.9086
S’pore Dollar 33.0292
Taiwan Dollar 1.36971
UAE Dirham 11.1404
UK Pound 61.7072
 
Custom Search
Hindi puro ganda, dapat may galing!
JEANY LACORTE

Hindi matatawaran ang mga nagawang tulong sa Malabon City ni Jeannie Sandoval.

Sabagay hindi na bago ang ginagawang ito ni Jeannie na tumatakbong vice mayor ng lungsod. Dati na siyang tumutulong sa mga taga-Malabon.

Kaya naman ang napiling campaign slogan nitong si Jeannie ay 'hindi lang maganda, magaling pa!'

Si Jeannie ay asawa ni dating Congressman Ricky Sandoval at mula ng mga panahong iyon, naging aktibo na si Jeannie sa pagtulong sa mga indigent sa pamamagitan ng mga health care at mga livelihood program at marami pang mga social services para sa mga residente ng lungsod.

Naging very active si Jeannie sa Congressional Spouses Foundation noong panahon ni Ricky bilang kongresista. She began to embrace public service as a way of life.

Naging member si Jeannie ng Kalipunan ng mga Samahan sa Malabon and served as the Chairperson of the Gintong Parangal 2008. Miyembro din ng Malabon Women's Club since 1998 at noong 1999 na­ging member siya ng Soroptimist International of Malabon (SIM) and was elected President in 2008 up to present.

Bilang pagkilala ng kanyang outstanding leadership sa Soroptimist, inimbitahan siya upang maging tagapagsalita sa 56th session ng Commission on the Status of Women, Uni­ted Nations (UN) Headquarters sa New York, USA noong February 27 hanggang March 9, 2012. Naging delegate din siya ng Soroptimist Invitational Leadership Seminar, sa Tapa Conference Center, Hilton Hawaiian, Honolulu, Hawaii, noong August 26-27, 2011.

Dahil sa kanyang dedikasyon at commitment sa mga miyembro ng Soroptimist Malabon, pinarangalan siya bilang Most Outstanding Club President, Soroptimist International of the Phi­lippines Region, Biennium Conference, 2010-2011 at 2011-2012.

At dahil din sa kanya ang kanilang Club ay kinilala bilang 2011 Soroptimist International of the Americas (SIA) Regio­nal Finalist in the Membership Category, SIA Ce­lebrating Success, August 29, 2011; Most Outstanding Club for 2011-2012, Best in Program, Best in Membership, Best in Public Relations and Best in Fundraising (2012); Most Outstanding Club for 2010-2011; Best in Program and Ho­norable Mention in Public Awareness (2011).

Mula noon hanggang ngayon patuloy ang ginagawang mga projects ni Jeannie gaya ng Learn and Earn: Milkfish (Bangus) Deboning Livelihood Project, Soroptimist Livelihood Cen­ter (Soroptimist Store) at Kalinga't Gabay sa mga Batang Nanay (Care for Teenage Mothers). Some of their programs and activities are Pre-Natal Counseling, Balat ng Mais Swak na Business Livelihood Project, Free Pap Smear, Stop Trafficking Seminar, Free Full Dentures, Breast and Cervical Cancer Awareness Seminar, Cervical Cancer Immunization and Breast Examination.

Naging personal advocacy na ni Jeannie ang tumulong sa mga na­ngangailangan sa pamamagitan din ng several health missions, feeding programs, education projects at livelihood training.

Subalit sa lahat ng pagiging abala ni Jeannie sa kanyang mga countless endeavors, hindi siya nagkukulang sa kanyang pamilya bilang isang mabuting asawa at ina ng kanyang solong anak na Chino Sandoval III.

Tanging si Jeannie ang babaeng kandidato nga­yon bilang vice mayor ng Malabon at ang mga katangiang ito ni Jeannie ang tiyak kong magpapaangat sa kanya laban sa kanyang mga katunggali, wanna bet, Jeannie yata 'yan!

HOME TOP
Copyright © 2011 MONICA PUBLISHING CORPORATION
ALL RIGHTS RESERVED

designed & developed by: MIS SECTION