Insan inireklamo ng rape

By

Isang 18-anyos na grade 11 na babae ang umano’y ginahasa ng kanyang pinsan dahil dis oras na ay nasa labas pa ng bahay sa Navotas City kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ng Navotas City Police – Women and Children Protection Desk (WCPD), alas-tres pasado ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa loob mismo ng bahay ng itinuturong suspek na si Francis Antonio, 21-anyos ng kanyang pinsang biktima na itinago sa pangalang ‘Jonette’, 18-anyos, nasa grade 11, na magkatabi lamang ang mga bahay sa nasabing lungsod.

Ayon sa biktima ay nasa harapan umano siya ng kanilang bahay nang bigla umano siyang hatakin ng pinsan. Puwersahan umano siyang hinubaran ng pinsan hanggang tuluyang magahasa.

Samantalang, mariing itinanggi ng suspek ang pahayag ng biktima at ayon sa kanya ay hindi umano niya kinanti ang pinsan.

Ang totoo umano ay kusa umanong pumasok sa kanilang bahay ang biktima dahil nagtatago umano ito sa kanyang kapatid na pagagalitan siya sa pag-uwi ng madaling-araw na.

Hamon pa ng suspek mapapatunayan umano na nagsasabi siya ng totoo sa pamamagitan ng CCTV sa kanilang lugar na sigurado umanong nakahagip kung may hatakan nga umanong naganap.