Ina pamatay pa rin sa edad na 42

By

BUKAS ay 42 years old na ang Sabado Night girl of the 90’s na si Ina Raymundo at sa edad niya, hindi naman maikakailang sobrang sexy pa rin siya considering na lima na ang anak niya.

Actually, dahil maintain na maintain ni Ina ang kanyang sexy body, kaya naman mabiling-mabili pa rin siya hanggang ngayon at kaliwa’t kanan ang kanyang mga proyekto.

Ayon sa manager niyang si Paula Punla, magsisimula na raw mag-taping si Ina para sa isang bagong series niya sa ABS-CBN at parte pa rin naman siya ng La Luna Sangre.

M-W-F daw sa La Luna Sangre si Ina at T-T-HS naman sa bagong series ng Kapamilya network at puwera pa raw ang ibang mga proyektong ginagawa niya.

Bukod doon, hindi rin daw pabaya si Ina sa ­sarili dahil may sinusunod siyang diet plus hanggang makakaya, nagpupunta pa rin daw siya sa gym.

Minsan, kapag late afternoon pa ang call time niya­, nagdyi-gym muna si Ina.

Bukod sa kanyang career, personal din daw na ina­asikaso ni Ina ang kanyang mister at 5 kids, kaya naman happy ang kanyang pamilya kahit pa nga sobra siyang busy sa kanyang showbiz career.