Ilocos Norte, malayo pero sulit na pasyalan!

By

Kahit mahabang oras ang kakainin­ sa biyahe, mara­ming turista, lokal man o mga taga-ibang bansa, ang nahihikayat pumunta sa Ilocos Norte ngayon dahil sa natural at likas na taglay nitong kagandahan.

PAANO PUMUNTA SA ILOCOS NORTE?

Ang Ilocos Norte ay may sariling international airport kaya para sa mga may pera, higit na magaan ang biyaheng Norte kung sasakay na lamang ng ­eroplano.

Kung by land ang gagawing biyahe ay maraming mga bus na ­direktang bumibiyahe roon, nasa walo hanggang 10 oras ang aabutin kapag Manila-Laoag.

Kung isang grupo naman o biyahe ng pamilya, marami nang narerenta­hang van na bumibiyahe­ mula Manila hanggang Ilocos at vice versa.­ Ito ang pinakamada­ling paraan­ dahil pagdating mismo sa Ilocos Norte ay may sasakyan na agad gagamitin sa pag-iikot at hindi na kailangang magrenta pang muli.

Pero kung sumakay lamang ng bus o nag-eroplano, maaari namang umarkila ng private cars, van at jeep pagdating sa Ilocos Norte.

Kung talagang masipag mag-ikot at seryosong nagtitipid, puwede namang mag-commute na lamang sa mga papasyalang lugar.

Sa budget-conscious, ang pagsakay sa tricycle ang pinakamagaan sa bulsa lalo na kung malalapit lang ang distansya ng pupuntahan. Puwede ring makipagtawaran kay kuyang driver.

And last but not the least ang Calesa na exciting sakyan at tipong historical pa ang arrive pag naglilibot sa lugar. Mas damang-dama ang ganda ng paligid bukod pa sa feeling prinsesa pa kapag ito ang gamit.

CHIBOG SA ILOCOS

Mawawala ba naman ang pagkain sa pagta-travel?!

Bilang manlalakbay magandang tikman ang mga pagkaing makapagsasabi ng kultura ng binisitang lugar.

Bagnet

Noong hindi pa ko nakakapunta ng Ilocos ay marami na akong naririnig at nababasang mga articles tungkol sa malupit na Bagnet ng Ilocos.

Nang matikman ko ito ay napa-WOW nga ako. Napakasarap kasi dahil ang Ilocos bagnet ay deep fried at matagal niluto sa mababang temperatura.

Dinardaran (Crispy Dinuguan)

Ewan ko na lang sa iba pero ako ang Dinardaran ang pinakapaborito kong pagkain sa Ilocos.

Ang ulam na ito ay kadalasang ginagamitan ng malalaking bituka at isang piraso ng porkloin at taba ng baboy, deep fry din ang ginagawa dito kaya ito crispy at crunchy!

Poqui Poqui

Ang Poqui Poqui ay native vegetable Ilocano dish na ginagamitan ng talong bilang main ingredient, ginigisa ito ng maraming sibuyas, kamatis at itlog.

Pinakbet

Perfect match ang Pinakbet sa Bagnet na katulad din ng mga karaniwang mga luto ng Pinakbet ng ­Ilocos dahil sa ampalaya ang main ingredients.

Empanada

Ang Empanada ng Ilocos ay perpektong pang-merienda! Ang pangunahing sangkap ng empanada nila ay kinabibilangan ng rice flour, isang buong itlog at mongo sprout o gadgad na berdeng papaya. Minsan idinagdag ang Ilocos longanisa sa loob nito at may sawsawang maanghang na suka.

ACTIVITIES SA ILOCOS NORTE

Maraming ino-offer ang Ilocos Norte kasama na ang mga malalawak na hanay ng mga puwedeng gawin na tiyak mai-enjoy ninyo sa pagbisita rito.

LAOAG, PAOAY, BATAC, PAGUDPUD

Sumakay ng tricycle sa terminal ng bus papunta sa Provincial Capitol upang simulan ang iyong ­Laoag walking city tour kung saan maganda ring doon na mag-agahan.

Bisitahin ang park sa harapan ng Provincial Capi­tol at ang Abolition of Tobacco Monopoly marker, maglakad hanggang Laoag Sinking Bell Tower at mula roon ay magtungo sa Museo Vivo de Ilocos na nasa tabi rin lang ng Abolition of Tobacco Mono­poly Marker.

Maglakad-lakad pa hanggang sa marating ang La Tabacalera kung saan may mga restaurant, bookstore, at mga boutique, doon na rin ang Museo Ilocos.

Mula doon maaaring puntahan ang Paoay Church at Marcos Mausoleum sa Batac.

Bisitahin din ang Fort Ilocandia at ang sand dunes sa La Paz and Paoay.

Kung may budget at may oras pa, hindi dapat palagpasin ang pagbisita sa Pagudpud, Patapat Viaduct, Kaybigan Waterfalls, Agua Grande, Paraiso ni Anton, Timmangtang  Rock, Batay Abot Cave, Blue Lagoon at Dos Hermanos Islands. Huwag ding kalimutang puntahan ang Kapurpurawan Rock Formation na lalong magpapatingkad sa inyong pamamasyal.

Talaga namang mala-paraiso ang mga lugar na ito dahil napaka-relaxing ang mga views nakakatanggal ng stress.

BANGUI AT BURGOS

Puwedeng mag-tricycle papuntang Bangui Windmills upang makita ang pinakasikat na mga windmill ng Ilocos Norte.

Daanan din ang Cape Bojeador Lighthouse at pagkatapos ay ang Bangui View Deck.

Kaya pagkatapos ng panahon ng tag-ulan, ­huwag nating kalimutang ilagay sa bucket list ang Ilocos Norte. I-enjoy ang kalikasan kasama ang buong ­pamilya at mga kaibigan!