Racing Feature

Ika-21 ni Winx

By

Pinamangha na naman ni Winx (Street Cry (Ire) – Vegas Showgirl (NZ) hindi lang ang mga Australyano kundi ang buong mundo nang manalo ng mahigit sa walong kabayo sa Turnbull Stakes noong Sabado sa Flemington racecourse sa Melbourne.

Ito ang kanyang ika-21 straight na panalo kaya marami ang nagsasabing siya pa rin ang pinakapaborito sa gaganaping Cox Plate ngayong buwan.

“It was pretty special but no surprise, believe it or not. I am very pleased with how she has settled in down here. I know she did work well the other day, but she always does.

What’s impressed me is how settled she is down here. I have said it all week. She was back to herself today. She was very unenthusiastic last start, for some reason or other.

Maybe she just had a bit of a day where she didn’t want to do it, but she still did it in style,” sabi ng pumatnubay kay Winx na si jockey Hugh Bowman.

Masyadong naging kumportable ang karera nang sinundan lang niya ang mga nasa unahan at halos walong kabayo ang layo sa likuran ng mga ito. Pero sa kalahatian ng karera, nagpabulusok na ito at nakuha ang unahan pagpasok ng homestretch at lalo pang lumayo sa kanyang mga kalaban.

Nasegundo si Ventura Storm at tumersero ang inaasahang makakalaban ni Winx na si Humidor.

Ito ang ika-14 na Grade-1 victory ni Winx para pantayan ang record ng pamosong Australian champion at Hall of Fa­mer na si Kingston Town. Kapag nanalo siya sa Cox Plate, mauungusan na niya si Kingston Town, three-time champion at record-holder sa Cox Plate.