Huling 10 araw ng registration samantalahin — Comelec

By

Hinikayat ni Commission on Elections (Come­lec) Chairman Andres Bautista ang mga botante na samantalahin ang hu­ling 10 araw ng registration ­period at magparehistro para makaboto sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Sinabi ni Bautista hanggang Abril 29 na lamang ang deadline para makapagparehistro kaya dapat na nila itong samantalahin.

Nabatid na wala pa sa plano ng Comelec na palawigin ang registration period lalo na at nabigyan naman ng sapat na panahon ang mga botante para makapagparehistro.

Gumawa rin umano sila ng iba’t ibang istratehiya upang makapagrehistro ng mas maraming botante, kabilang na ang satellite registration.