Horse importation

By

Pagpasok ng ­buwang ­kasalukuyan ay ­naglabas ang ­awtoridad ng ­kautusan para ­amiyendahan ang ­dating resolution tungkol sa ­importasyon ng mga ­imported na kabayo.

Dahil umano sa problema sa mababang popu­lasyon ng mga kabayo ngayon at matapos ang pakikipag-usap sa mga horse owners para ma-­encourage na ­mag-import ng kabayo, inamin ng Philracom na kaila­ngan nang ­mag-import para malunasan ang problema.

Idinagdag pa nila ang pagdami ng importasyon ng kabayo ay magdudulot ng excitement at kumpetisyon sa ­karera at makatutulong sa horse breeding industry sa ­bansa.

Tumaas ang kilay ng maraming major ­players sa bansa na nagpupu­milit sa mga awtoridad na pala­kasin ang impor­tasyon ng mga race­horses noon pa.

“Ngayon ay iba na naman ang tono nila dahil talaga namang bagsak na ang breeding industry natin.

Karamihan sa kanila diyan ay ayaw ang racehorse importation noon pa dahil papatayin daw ang horse breeding industry.

Kahit nabuksan na ang importation, marami na ang nanga­yaw mamili ng kabayo sa abroad dahil walang insentibo o suportang natatanggap sa pamahalaan sa kanilang ginagawang pagtulong para paramihin ang populasyon ng kabayo dito,” ang sabi ng isang dating horse owner na dating nag-i-import ng kabayong pangarera.

Lahat ng paraan ay ginawa noon para mapi­gilan ang racehorse importation kaya nawalan na ng gana ang mga da­ting investors na nanga­lugi dahil walang matakbuhan ang kanilang mga kabayong na-import.

“Lahat ng matitin­ding racing countries sa Asia ay nag-i-import ng mga kabayo sa ­America, Australia, New Zealand. Pinaniwala tayo noon na babagsak ang local horse breeding sa bansa kapag pinayagan ang importation.

Dahil sa kawalan ng suporta ng gobyerno sa mga nag-import ng kabayo noon, nasaan nga­yon ang sinasabi nilang local horse ­breeding?” tanong pa ng horse owner.