Honorary degree ng UP tinanggihan ni Du30

By

Wala nang dapat pang ipagmarakulyo ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil nagdesisyon na itong tanggihan ang alok ng University of the Philippines Board of Regents na honoris causa ng law degree.

“With due respect sa University of the Philippines, I do not accept even if I was mayor.

Hindi ako tumatanggap, as a matter of personal and official policy, I do not accept awards. Wala sa pagkatao ko,” paliwanag ng Pangulo nang kapanayamin sa isyu matapos ang dinaluhang command conference sa lalawigan ng Bohol kahapon.

“Hindi ko nire-reject. To use reject… I simply declined,” paliwanag ng Pangulo.

Ang Board of Regents ng UP ay nagplanong pagkalooban si Pangulong Duterte ng honorary ­degree bilang tradisyon.

Subalit ang nasabing hakbang ng UP Board of Regents ay umani ng batikos mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan gayundin sa Office of the Student Regent at sa incoming head ng UP student council.

“Honors are not deserved by a president whose regime killed thousands of citizens and leaders of progressive groups under Oplan Tokhang and Oplan Kapayapaan,” ayon sa UP Office of the Student Regent na kanilang ipinaskil sa Facebook.

“Honors must not be given to a president that declares all-out war against his people to quell their struggle for just and lasting peace, and reimposes death penalty to legitimize the killing of the poor.”

Nauna nang sinabi ng Palasyo ng Malacañang hindi naghahabol ang Pangulo sa pagkilala.


  • silangstupid

    Mungkahi ng marami palitan na ang pangalan ng UP at itulad na lang ito katulad ng ibang universidad na wala ng tulong ang gobyerno. Doon sa gustong magmunkahi na ipalit na pangalan sa universidad na ito magmunkahi kayo. Para sa marami tutal marami rin nagbago sa pagiisip ng mga nagaaral dito sa universidad na ito, Mungkahi ng samahan ng matitino palitan ito ng UTM tutal dito nagmula ang communist Party of the Philippines. Magmunkahi po kayo.