Hit and miss

By

Nais nang ibasura ng Department of Labor (DOLE) ang pre-departure orientation seminar (PDOS) na mandatory requirement sa mga papaalis na OFWs lalo na iyong first time na mag-a-abroad.

Sa PDOS itinuturo sa OFWs ang do’s and don’ts sa bansang pupuntahan, kompanyang papasukan at ibang lahi na pakikisamahan.

Kumbaga ay isang survival seminar ang PDOS at least in theory. Done right, maraming p’wedeng matutunan ang OFWs sa PDOS kung papaano mababawasan ang stress sa pagtatrabaho malayo sa mga mahal sa buhay.

Worth it?

Pero depende na rin sa PDOS provider kung magiging useful at helpful ang PDOS para sa isang OFW at depende na rin sa OFW kung receptive siya at nakikinig sa modules na pinag-uusapan.

Nasabi nating depende sa PDOS provider dahil mayroon namang PDOS resource persons na magagaling na tala­gang alam ang sinasabi lalo pa’t ex-OFWs rin sila.

Pero may mga PDOS resource persons rin na bookish at wala talagang first-hand experience sa topic ng PDOS module. Sila ‘yung PDOS providers na hindi alam ang sagot sa karaniwang tanong ng PDOS partici­pants.

Distracted

Nabanggit na rin natin na may PDOS na nagiging avenue lang para sa bentahan ng insurance at remittance services ng mga bangko dahil binabayaran ng bangko ang PDOS providers ng komisyon kapag may nabentahan ng remittance services.

In all, hit and miss ang PDOS through the years at ngayon nga ay gusto na itong ibasura ng DOLE dahil on the side ng PDOS participants ay marami naman daw ang hindi nakikinig dahil distracted na sa pag-alis.

Actually ay nasa PDOS providers na rin kung distracted o hindi ang PDOS participants. Kung interesting naman kasi ang diseminasyon ng info ay wala namang dahilan para hindi makinig ang OFWs.

Quality

Just the same, ang gusto ng DOLE ay palitan ang PDOS ng pre-overseas employment seminar na sasagutin daw ng recruiters. Here, ina-assume ng DOLE na may competence ang mga recruiter na magpa-seminar.

Pre-employment o pre-deployment ay matter of timing lang iyan. At the end of the day, ang mahalaga ay ang quality ng country-specific modules at ng PDOS resource persons.

More on this topic kapag may concrete move na ang DOLE na i-scrap ang PDOS.

Meantime, follow me on Twitter @beeslist or call 833-0785 or email usapang_ofw@yahoo.com for your comments and questions.