Hirit ng utol ni Ka Freddie: Digong patay at alien na

By

Trending sa social media ang isang post ng kapatid ng singer na si Ka Freddie Aguilar na kilala ring masugid na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa Facebook page ng pakontrobersiyal na kapatid ni Ka Freddie na si Marlene Aguilar ay lantaran niyang sinabi na patay na si Pangulong Duterte at isa na lamang itong alien.

Ito ang bahagi ng post sa social media ni Marlene: “I challenge you President Duterte!”

Nakasaad din sa FB page ni Marlene na ayon umano sa kanyang contact na CIA, ang tunay na President Duterte ay nasa isang isla at bedridden.

“He said the president’s cancer has so become so advanced he was defeca­ting and pissing in his own bed. This was a month ago. If this is true, I believe President Duterte is dead.”

Sinabi pa ni Marlene na marami sa mga nakakita kay Duterte noong SONA at Asean Summit ay napansin ang malaking pagkakaiba ng dalawa.

Sa huling SONA umano ni Duterte ay nahirapan na itong magsalita at mabagal nang maglakad. Nanghihina na umano ito.

Pero ang Duterte umanong humarap sa Asean Summit ay mukhang bata.

“According to reptoid aliens Dolly Escarrion and I are in contact with, the Duterte you see now is an reptoid alien in disguise. These reptoids can copy any human shape and form they want,” ayon pa kay Marlene.

Ipinaalam umano ng kanyang asset kay Chief PNP Bato na ang kasalukuyang Duterte ay reptoid alien impostor at sumagot umano ito ng “kaya pala may mga kakaiba sa kanya”.

Mapapanood aniya si Trax sa YouTube na nagsasalita tungkol sa CIA.

Dahil umano sa nasabing mga pangyayari ay naniniwala si Marlene na patay na nga si Duterte.

“I believe Duterte is dead. I believe the current Duterte is impostor! So I challenge the president to step forward and clear my allegations immediately!” ayon pa sa kapatid ni Ka Freddie.

Dahil sa nasabing post ni Marlene na trending na ngayon ay samu’t saring komento ang naglabasan at inulan ito ng batikos.

Narito ang ilan sa comment ng netizens.

Gna Mitchie: ­Luhhhh.! Pasikat ka girl???

Jon Arizobal: Its a nice plot for a sci-fi movie.

Lotskie Alemania: ­ayoko na sa earth! anggulo na! ????

Rez Lapig Enri­quez: Damn u !! Ur an idiot, with out God.

Eidde Serolf: Nabuang nas Marlene Aguilar ky nasobrahans shabu o d kya dehins makapag binta Kya kung ano ano nalng mosud sa pangotok.

Mia Sandoval: Hahahaha epekto na ito ng druga, alien naman ngayon kakatawa, lakas ng tawa ko dto, saan na nga pala yong anak nya? Na konwari maloka sya sa paghahanap yon pala sya rin ang nagtago, malala ka na Marlene Aguilar.