Hindi isyu ang lokasyon ng selebrasyon

By
132

Tiniyak ng pamunuan­ ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na magiging payapa at ligtas sa publiko ang gagawing­ paggunita­ sa ika-31 ani­bersaryo ng Edsa People Power sa Sabado, Pebrero­ 25.

Kahit sa loob ng Camp Aguinaldo idaraos ang selebrasyon ng Edsa ­anniv ay nagbigay ng katiyakan si NCRPO Chief Director Oscar ­Albayalde na magpapa­kalat pa rin ng puwersa­ ng kapulisan sa mga lugar na naging makasaysayan sa matagumpay na Edsa Revolution.

Kabilang dito ang ­Edsa Shrine sa People Power Monument kung saan ay inaasahang dadagsa­ ang mga magsasagawa ng demonstrasyon dahil bukas ang public park sa mga demonstrador, ­meron o walang permit to r­ally ang mga ito.

Ang paalala lamang ng NCRPO sa mga magpoprotesta ay tiyaking susundin ang batas at bibigyang importansya ang peace and order sa kanilang mga gagawing protesta.

Sa pagkakataong ito ay sisiguraduhin din ng NCRPO na wala nang magaganap na kaguluhan­ sa pagitan ng mga raliyista­ at pulis sa gaganaping ­anibersaryo.

Sa puntong ito ay hindi na sana gawing isyu ang lokasyon kung saan ­gaganapin ang selebras­yon ng ika-31 anibersaryo ng Edsa People Power, ang ­mahalaga ay binibigyan natin ito ng pagpa­pahalaga bilang mga Filipino dahil ito ang naging hudyat ng pagkamit natin ng demokrasya.

Hindi na dapat pang gawing isyu kung bakit sa loob ng Camp Aguinaldo gagawin ang selebrasyon sapagkat batid naman ­nating lahat kung ano ang lagay ng Edsa.

Baka sa halip na ipagdiwang natin nang matiwasay ang Edsa anniv ay ikairita pa ng ating mga kababayang maapektuhan dahil sa pagsisikip ng daan sakaling isara ang ilang bahagi ng Edsa para doon gawin ang mga aktibidad na may kinalaman sa People Power ­anniversary.

Sa ganitong sitwas­yon, kailangang maging praktikal, kailangan ang konsiderasyon lalo na’t kapakanan naman ng nakararami ang nakasalalay.