Racing Feature

Guidelines nasaan?

By

Pinabubusisi ng isang horseowner kung paano nga ba ginagawang pagha-handicap ng Philracom sa mga karerang iniisponsoran nito dahil nga sa kwestiyonableng nangyari sa isang malaking ­pakarera nito kamakailan.

Sinabi ni dating Mandaluyong mayor Benhur Abalos Jr. na hindi man lang sila makakita o makakuha ng guidelines paano ang ginawang handicapping sa naganap na 3rd leg ng Local Imported Challenge Stakes noong Abril 9.

“Naghahagilap kami ng guidelines pero wala kaming makuhang klaripikasyon o anumang kopya ng guidelines. Gusto naming makakuha para naman sa ngalan ng fairness at objectivity,” ang sabi ni Mayor Abalos sa sulat niya sa Philracom.

Tinatanong niya kasi kung paanong ang imported runner na si Bentley ay napesohan ng 51 kgs habang ang dalawang locals niyang nakalaban ay 55 kgs ang kay Lakan habang 57 kgs naman ang kay Kanlaon.

Tinalo ni Lakan si Bentley ng bahagya lang ang lamang habang dismayado namang tumersero ang na-llamadong si Kanlaon.

Sinabi pa niya na maraming pakarera ang Philracom na pare-pareho ang handicapping at ­nagiging successful dahil may mga set ng guidelines na “transparent, objective, at consistent.”

“It discourages discretion on the part of the handicapper, a key ingredient to the success since the policies are clearly laid down,” dagdag pa ni Mayor Abalos.