GSW dinomina ang Heat

461

OAKLAND, California — Bina­lewala ng Golden State Warriors ang mabagal na simula at ang dominanteng laro ni Hassan Whiteside upang palamigin ang Miami Heat, 107-95, sa 71st NBA 2016-2017 season elims game Miyerkules (Manila time) sa ­Oracle Arena rito.

Lubog ng 10 sa kaagahan ng laro, nagngingitngit ang Golden State nang magpasabog ng 13-0 run sa pag-open sa second quarter at dumistansya ng 10 points, bago nahablot ng Heat ang 54-53 edge sa break. Dinomina ng Whiteside ang Warriors sa first half sa double-double na 16 points at 10 rebounds.

Pero mapuwersang bumalik ang Golden State pagkatapos ng halftime break kahit kumakasa ang Heat na dumikit ng apat sa third. Nagbanta ang Warriors na maka-pull away sa iniskor na nine straight points sa final two quarters.

Nabuhayan ulit si Whiteside makalipas ma-scoreless sa third, sinindihan ang 14-4 run para ma-trim ang 13-point de­ficit down sa three, 85-82, over six minutes sa game.

Mula roon, nakatagpo ang Golden State ng bayani mula sa bench kay Ian Clark, na binisig ang limang puntos sa 8-2 counter run ng Warriors para makalayo ulit sa nine sa four-minute mark. Saka kinarga nina Kevin Durant at Steph Curry ang 12 points ng Warriors sa 14-9 finish para selyuhan ang tagumpay.

Ginulantang naman ng Milwaukee Bucks ang San Antonio Spurs, 109-107.

Habang ang Sacramento Kings ay namayani kontra Detroit Pistons, 100-94.