Grethcel, Baste babawi sa beach volley

By
104

Nabigo ang San Sebastian na makuha ang titulo ng NCAA 92 indoor volleyball, ibabawi nina Grethcel Soltones at Alyssa Eroa ang Lady Stags sa beach volleyball na papalo sa Feb. 22-26 sa Lighthouse Marina sa Subic Bay.

Tatangkain ni indoor volley MVP Soltones at ng isa sa pinakamatinik na liberos sa kasalukuyan na si Eroa na ihatid ang Baste sa four-peat.

Silang dalawa rin ang tumalo sa kambal na sina Maria Jeziela at Maria Nieza Viray ng San Beda 14-21, 21-9, 15-6 sa kampeonato noong nakaraang taon para i-annex ang pangatlong sunod na titulo at sixth overall ng Baste.

“Grethcel and Alyssa will play,” paniniguro ni Lady Stags coach Roger Gorayeb.
Reserve ng Baste si Daureen Santos.

Ilang araw pa lang ang nakakaraan ay nalusaw ang thrice-to-beat edge ng San Sebastian at yumuko sa Arellano U sa indoors finals.

Sa buhanginan ay babawi si Soltones.

Inaasahang magiging tinik pa rin sa kampanya nina Soltones at Eroa ang Viray twins, winalis ang eliminations noong nakaraang taon pero kinapos ng isang set sa title match.