‘Greatest’ finale

By

LAST day at final episode na ng The Greatest Love ngayong araw na ito.

In fairness, nagsimula sila na mataas lahat ang acting lalo na ang mag-inang Sylvia Sanchez at Arron Villaflor, pero nitong bandang dulo, natimpla na ang acting ng lahat, at si Sylvia na ang sentro ng lahat.

Nagtagal din ito at pinag-usapan. Ito rin kaya ang sasapitin ng Pusong Ligaw?

Good luck!

***

“Sometimes you need a good cry. Or three. Or four.”

Iyan ang sabi ni Lea Salonga sa social media post niya dahil namatay ang kanyang auntie sa mother side.

Nataon namang birthday ng asawa niyang si Robert Chien.

Ganyan ang cycle ng buhay — na buo nating tinatanggap — ang kapanganakan at kamatayan.

***

Labanan ng makabago at lumang sayaw ang tampok sa I Can Do That ngayong weekend (Abril 22 at 23).

Sanib-puwersa sa LED poi dancing sina Gab Valenciano, Cristine Reyes, Daniel Matsunaga at Arci Muñoz.

Ibibida nina Pokwang, Wacky Kiray, Sue Ramirez at JC Santos ang iba’t ibang uri ng Filipino folk dance.

Hurado si Angel Locsin at ang choreographer na si Douglas Nierras.