Graft vs Zambo ex-electric coop officials

By
206

Sinampahan ng Office of the Ombudsman ng kasong katiwalian sa Sandiganbayan ang mga dating opisyales ng Zamboanga City Electric Cooperative (Zamcelco) dahil sa maanomalyang pagbili umano ng mga ito ng lupa noong 2007.

Kabilang sa mga kinasuhan ay si Pablo Pan III, dating deputy administrator ng Electric Distribution Utilities Services of the National Electrification Administration; Rolando Gregorio, Efigenio Julian Jr., Noel Tarrazona, Alexis Ortega, Gilbert ­Alvarez, Leomyr Toribio, Tito Espiritusanto, Reinerio ­Ramos, Cesar Melad, Wilhelmino Bazan, Santiago Acuna at Reinfredo Sevilla.

Kinasuhan din si Jovita Yeo na pinagbilhan umano ng lupa dahil hindi umano ito ang tunay na may-ari ng lupa na binili ng mga nabanggit na dating opisyal.