GM Torre nagdadalawang-isip

By
401

Torn between two lovers si Grandmaster Eugenio­ Torre sa pagku-coach at paglalaro sa nalalapit na US$5,000 Asian Zonals 3.3 Chess Championships 2017 sa Pebrero 24-Marso 6 sa Tagaytay City, Cavite.

Nakatakdang pagpasyahan ng Asia’s first GM kung magku-coach na lang siya sa national women’s team o kung mananatili siyang player at maglaro pa rin sa two-division woodpush fest.

Ang top two men finishers ang mga susulong sa 128-player single-elimination $1.6-million 9th FIDE World Cup 2017 sa Setyembre 1-25 sa Tbilisi, Georgia, habang woman topnotcher lang ang may pribilehiyong makasulong sa 2017 World Women’s Chess Championships na hindi pa lang maihayag ang date and venues ng World Chess Federation.

“Nakatakda pa akong makipag-usap sa pangulo namin (National Chess Federation of the Philippines president Prospero Pichay, Jr.) although gusto nga nilang mag-coach na lang ako. Kung magkagayon, makakapag-concentrate ako sa ibang masasalihan ko pang tournaments like ‘yung (32nd) Reykjavic Open (Chess Championships 2017 sa Iceland sa Abril 19-27),” aniya kahapon.

Maging si PSC Chairman William Ramirez ­sinang-ayunan ang balak ng NCFP at sinabihan na si Torre na handa ang kanyang tanggapan na pagkalooban din ng P50,000 monthly salary, gaya kay tenpin bowling cach Rafael Nepomuceno dahil sa pataas na respeto ng una sa huli.

“Okay rin naman sa atin na mag-coach na lang kasi para sa mga mas bata sa akin, lalo na si Woman GM candidate, W International Master Janelle Mae Frayn­a na walang coach dahil naka-leave si GM Jayson (Gonzales),” panapos ni Torre.