Abante Tonite Interactive

Gloc-9, saludo kay Coco Martin

46

NA-TOUCH si Gloc-9 sa hindi nito inaasahang gagawin ni Coco Martin. Nagulat sila na sa Instagram account ni Coco, makikita nila ang poster ng EP album launch ni Gloc-9 na Rotonda sa SM San Jose del Monte sa October 15.

Although ang misis ni Gloc-9 na si Thea Pollisco ang nag-post,  sinabi nito na hindi talaga sila makapaniwalang ipo-promote raw ni Coco ang bagong album ni Gloc at ang launching nito.

Sey nila, “saw post of ‘the’ coco martin sa IG nya promoting @glocdash’s birthday mall show. Nagulat kami sobrang sikat na pero still helps co-artist nya.

“Saludo sir more blessings pa sa inyo at excited na kami sa Panday 2017.”

Kung tama ang pagkakatanda namin, ang naging connection nina Gloc-9 at Coco ay nang kantahin ni Gloc-9 ang theme song ng Ang Probinsyano. Pero talaga namang bibilib ka sa character ni Coco.

‘Yung sobrang busy na niya na ‘yun ha, taping ng Ang Probinsyano at pagtatapos ng shooting ng Ang Panday na siya ang bida, producer at director, hayan at may time pa siya na mag-post ng proyekto ng iba at sumuporta.