FV lalapit sa elims sweep

By

STANDINGS
TEAMS               W    L
*-Flying V          7     0
*-Cignal HD       7     2
Tanduay            5     2
Wangs               5     3
CEU                   4     3
Batangas           4     3
Racal                 3     4
Marinero            2     4
x AMA                1     6
x Gamboa          1     6
x Zark’s             1     7
* — quarterfinalists
x – eliminated

Mga laro ngayon:
(Ynares Sports Arena, Pasig)
3:00 p.m. — Gamboa Coffee Mix vs. CEU
5:00 p.m. — Flying V vs. AMA Online Education

Tatlong panalo na lang ang Flying V para sa elimi­nation sweep sa 2017 PBA D-League Foundation Cup subalit hindi ito ang nasa kukote ni coach Eric Altamirano.

Dahil ang importante kay Altamirano ay mag-focus ang kanyang mga bataan sa playoffs.

“Ang importante is we play one game at a time and we continue to improve as a team. Hopefully, we’ll be sharp come playoff time,” saad ni Altamirano.

Haharapin ng Thunder ngayong alas-singko ng hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig ang laglag nang AMA Online.

Solo sa unahan ng team standings ang Flying V kapit ang 7-0, swak sa outright semifinals seat sakaling manalo sila sa AMA na may 1-6 card.

Dalawang beses naka-sweep ang NLEX sa eliminations ito’y noong 2012 at 2014 Foundation Cups habang nakaisa ang Cagayan Valley noong 2015 Aspirants’ Cup.

Muling huhugot ng puwersa si Altamirano kina Jeron Teng, Gab Banal, at Eric Salamat upang tapatan ang panargo ng Titans sa pangunguna nina Mario Bonleon at Renzo Subido.

“Importante lang is we play our game and not be complacent,” ani Altamirano.

Sa unang sultada, magkakaldagan ang Centro Escolar University (4-3) at Gamboa Coffee Mix (1-6) sa alas-tres.

Sisikapin ng Scorpions na makahirit ng playoff, natuldukan ang kanilang four-game winning streak matapos silang lumuhod sa Flying V.

Wala nang tsansa ang Coffee Lovers na makapasok sa susunod na phase, nais lang nila na makalsuhan ang six-game losing skid.