Racing feature

Future world sire?

By
197

Masusubukan ang lahi ni California Chrome (Lucky Pulpit – Love the Chase, by Not For Love) sa pandaigdigang industriya ng karera kapag sinimulan itong i-shuttle sa Chile pagkatapos ng kanyang mga assignments sa Amerika na gumagamit ng northern breeding season.

Sa Chile ito ipadadala ng Taylor Made Farm at ilalagay sa Sumaya Stud sa tuwing southern breeding season. Tatlong taon ang kontrata na pinirmahan ni Duncan Taylor, president at chief executive officer ng Taylor Made.

“California Chrome has generated a lot of interest from the Southern Hemisphere, so we agreed to explore the option of shuttling. We are very happy to partner with Sumaya Stud, and feel extremely comfortable that it’s a great situation for California Chrome.

This was a decision that was not taken lightly,” ang sabi ni Duncan.

Ang anak ni Duncan na si Marshall, nagtrabaho sa Chile ng walong buwan, ang bumisita sa mga puwedeng puntahan ng kanilang premyadong stallion doon para ma­ging isang successful sire pagdating ng araw. Gusto nitong gayahin ang pamosong Danehill na merong naging palahi sa halos lahat ng malalaking karerahan sa buong mundo.

“I think Chile has become the center of Tho­roughbred breeding in South America. There are four to five billionaires who own the best mares and will breed a lot of mares to him.

This business is a lot more global than it used to be, and we believe this deal gives the horse the best chance to hit,” sabi pa ni Duncan.

Si California Chrome ay nasa ikalawang buwan na ng kayang debut season sa stud sa Taylor Made Farm sa Nicholasville sa Kentucky, nagmamando siya ng stud fee na $40,000. Siya pa rin ang may record ng pinakama­laking earnings sa North America na umabot sa $14,752, 650.


SHARE
Previous article4 sugatan sa karambola
Next articleFUN PAGE 03/20/2017