Four-peat asinta ng Ateneo tankers

By

Misyon ng Ateneo ang fourth straight men’s title, puntirya ng UP ang back-to-back women’s crown sa simula ng four-day UAAP Season 80 swimming competitions ngayong araw sa Rizal Memorial Swimming Pool.

Pinamunuan ni season MVP Aldo Batungbacal ang pagdomina ng Blue Eagles sa liga noong nakaraang taon matapos kumolekta ng 603 points para iuwi ang fourth championship overall.

Nasa malayong pa­ngalawang puwesto ang De La Salle (340 points) at nahamig ng UP ang third place (194).

Nabigo ang Eagles na sumikwat ng championship double matapos ma­talo ang women’s team sa Lady Maroons na nasilo ang pang-15th overall.

Humabol ang UP, tinarak ang 444 points at iniwan sa second ang Ate­neo (411). Tersero ang La Salle (129).

Sinisid ni Hannah Dato ng Ateneo ang third straight MVP award matapos manalo ng anim na gold medals.