FOTON SINAGASAAN ANG RC COLA-ARMY

By

Mga laro sa Martes:
(Gen. Trias Sports Center)
4 pm – Cignal vs Foton
6 pm – F2 Logistics vs RC Cola-Army

Bumalik sa paglalaro si star middle hitter Jaja Santiago upang tulungan ang Foton na pulbusin ang RC Cola-Army, 25-20, 20-25, 29-27, 21-25, 15-7, kahapon sa Asics Philippine Superliga Grand Prix sa Philsports Arena sa Pasig City.

Tatlong larong lumiban si Santiago para mag train kasama ang kanyang mother team National University sa Japan.

Umiskor ang 6-foot-5 Santiago ng 30 points kasama ang 22 kills, five blocks at tatlong service aces para sa Tornadoes na nilista ang 7-1 record.

Nag-deliver si Foton American import Lindsay Stalzer ng 19 kills at tatlong blocks para sa kanyang 25 markers.

“This is such a good win for us,” wika ni Foton coach Moro Branislav ng Serbia, “I’m just glad with how the team responded after our previous lost.”

Si Former United States juniors national team member Kierra Holst ay nagtala ng  24 points, tumipa si Jovelyn Gonzaga ng 17 puntos para sa Lady Troopers.

Nag-ambag din si Honey Royse Tubino ng 15 puntos para sa RC Cola-Army na may 3-5 card.
Samantala, nilista ng generika ang unang panalo matapos itaob ang Cignal,  25-15, 25-20, 25-22.

May tsansa pa sa fifth spot ang Lifesavers na hawak ang 1-9 karta pero depende sa magiging resulta ng huling dalawang laro ng HD Spikers (1-7).