Fil-Brit swimmer nagpakitang-gilas

By

Nagpakitang gilas sina Filipina-British swimmer Bhay Maitland Newberry at Maurice Sacho Illustre matapos akbayan ang Philippines sa apat na gold medals kamakalawa sa 9th ASEAN Schools Games sa Singapore Sports School.

Nilangoy ni Ilustre, 17, ang dalawang gold medals matapos sikwatin ang boys’ 100 meter butterfly at 200 meter freestyle events.

Sinisid din ni Newberry ang girls’ 100 meter backstroke para sa kanyang pangalawang gold medal sa tournament na first time lang nitong sumali.

Bukod sa tatlong golds na napanalunan sa opener, may total seven gold medals na ang Team Philippines matapos ang dalawang araw na kompetisyon.

Nagtala ng tiempong 55.97 seconds ang La Salle Zobel (Muntinlupa City) standout, Ilustre upang pag­harian ang butterfly event kontra Singaporean rival Rhys Jun Kai NG (56.36) at Damanik Alexander (56.41) ng Indonesia.

Nilista naman ni 14-year-old Newberry ang 1:05.42 upang kalusin si Indonesian Novita Lestari Dewi (1:06.67) at Kemala Fathihia Sofie (1:07.02).

Ayon kay Newberry nais nitong maging inspiration sa kapwa nito Filipino athletes.

“It feels good especially that I get to inspire other athletes to train hard,” masayang sabi ni Newberry.

“Sobrang saya po talaga. Iba talaga ang feeling kapag pinapatugtog ang ating national anthem during victory ceremony,” wika naman ni Ilustre.