Fighting Maroons binitbit ni Akhuetie

By

Nangalabaw si Bright Akhuetie ng 22 points para ihatid ang UP sa 78-68 panalo kontra UST noong Linggo sa 2017 Republica Cup college division basketball tournament sa Baliwag Star Arena sa Bulacan.

Tumikada ng 10 points si Akhuetie sa fourth quarter kasama ang three-point play tungo sa 10-0 finish ng UP at ilista ang malinis na apat na panalo.

Kumana ng malutong na dunk si Akhuetie, may kasama pang foul mula kay Jeepy Faundo 1:46 na lang sa laro para basagin ang 68-68 deadlock.

Naglista si Paul Desiderio ng 13 markers para sa Fighting Maroons, nakopo ang solo top spot matapos ipalasap sa UST ang unang talo.

Kumana si Marvin Lee ng 15 markers, may 11 si Faundo para sa Growling Tigers na nasa second spot sa 3-1 win-loss card.


SHARE
Previous articlePIOLO, LUHAAN SA PAPURI NI MOTHER
Next articleNow na