FIBA: ALL-OUT VS QATAR

By

Mga laro mamaya (Nouhad Nawfal Stadium)
6:30 p.m. — Iraq vs. China
9:00 p.m. — PHL VS. QATAR
11:30 p.m. — Iran vs. Jordan
2:00 a.m. — Syria vs. India

No-bearing game man na sa kanila, hindi ilalagay ng Gilas Pilipinas ang hangin sa ulo mula sa impressive back-to-back wins, all-out na kukumpletuhin ang Group B sweep sa preliminaries ng 29th FIBA Asia 2017 mamayang gabi sa Nouhad Nawfal Stadium sa Beirut, Lebanon.

“We have to keep the low-key attitude and have the hunger in us,” ani national Chot Reyes kamakalawa sa http://www.fiba.basketball/asiacup/2017/ news ilang minuto tapos madikdik ang International basketball Federation No. 92 Iraq 84-68, pangalawa sa gayunding daming salang.

Dinistansiyahan ng Filipinos ang Iraqis 56-35 sa 28-9 blitz sa third quarter.

Ang senaryo’y nagpapalaot na sa FIBA No. 27 PHL (2-0) sa quarterfinals kahit pa masilat ng No. 50 Qatar (0-2). Kahit masilat sa Qatar, paniguradong sakop na ng Gilas ang top spot sa grupo via winner-over-the-other rule sa sinumang makakatabla sa 2-1.

Sorpresang iginupo rin ng Filipino quintet noong Miyerkules ang defending champion No. 14 China (1-1) 96-87 para makaiwas sa knockout playoff match para sa isa pang Last Eight slot na paglalabanan ng second-third placers sa bawat grupo bukas at sa Martes.

Mangunguna sa dribble-drive offense system ni Reyes sina Terrence Romeo (may two-game average na 21.5 points), Fil-German Christian Karl Standhardinger (15.5), Matthew Wright (10.0), Roger Pogoy (9.0) at Jayson Castro William (7.0).

Sa depensa sina Gabe Norwood, Carl Cruz, Japeth Aguilar at Jio Jalalon.

Ang winner sa playoff No. 2 mula sa Group D second-third placers na Japan (1-1)-Chinese Taipei (1-1) o Group C 2nd-3rd placers South Korea (1-1)-Lebanon (1-1) ang magiging oposisyon ng mga Pinoy sa quarters na papasinayaan sa Miyerkules, Aug. 16.

Nasa Last 8 din ang Group D prelims topnotcher No. 10 Australia (2-0), papalapit pa lang ang Group C frontrunner New Zealand (2-0) at Group A leaders Iran (2-0) at Jordan.