FEU, UST unahan sa No. 3

By

Matches ngayon (Moro Lorenzo Field)
2:00 p.m. — La Salle vs. UST (m)
4:00 p.m. — Ateneo vs. FEU (m)
6:30 p.m. — UP vs. NU (m)

Mag-uunahan sa pagsikwat ng No. 3 seeding ang UST at FEU sa pakikipagtipan sa magkahiwalay na karibal sa final day ng elimination round rankings ng UAAP ­Season 79 men’s football ngayong araw sa Moro Lorenzo Field.

Toka ng Tigers ang lag­lag nang De La Salle sa unang laro, sunod na haharapin ng Tamaraws ang league-leading Ateneo.

No. 1 na ang Eagles (32 points), No. 2 ang UP (28). Naiwan ang FEU (22) at UST (20) na mag-aagawan sa Nos. 3 at 4. Sa Final Four ay haharapin ng fourth-ranked team ang Ateneo, magsasagupa ang 2 at 3.

Kapag tinalo ng UST ang La Salle, mapupu­wersa ang FEU na talunin ang Ateneo para mag-No. 3. Sapat na rin ang draw sa Tamaraws para makuha ang third seeding kapag nagbuhol sila ng Tigers sa 23 points.