Ex-police chief, inaresto dahil sa pagkawala ng 43 estudyante sa Mexico

By

Inaresto ng Mexican authorities ang nagtatagong dating police chief matapos ang pagkawala ng 43 estudyante na kaniya umanong dinukot noong 2014.

Kasunod ng imbestigasyon ay ikinulong ng Federal police si ex-police chief Felipe Flores Y Velazquez, 58, nang umalis ito sa Iguala matapos bisitahin ang kanyang asawa.

Si Flores ay inakusahan ng pagkidnap sa mga kabataan at ang pagkaaresto sa kanya ay maaring pagmulan ng mga clues kung ano ang nangyari sa mga nawalang estudyante may dalawang taon na ang nakakalipas.