Ex-NFL star nag-suicide sa selda

By

BOSTON — Natagpuang patay Miyerkules ng umaga sa kanyang selda ang dating NFL (National Football League) star na si Aaron Hernandez, ayon sa Massachusetts prisons officials.

Binubuno ni Hernandez ang life sentence sa ­kasong murder, at ilang araw na ang nakakaraan ay na-acquit sa salang double murder.

Nakita ng mga guwardiya si Hernandez, 27, sa kanyang selda sa Souza-Baranowski Correctional Center sa Shirley pasado alas-tres ng madaling-araw, ayon sa statement ni Department of Correction spokesman Christopher Fallon.

Idineklarang patay ang dating New England Patriots­ tight end sa UMass Memorial-HealthAlliance Hospital sa Leominster makalipas ang isang oras.

Pang-isahan lang ang selda ni Hernandez. Nagbigti ito gamit ang bed sheet na itinali sa bintana ng selda, ayon pa kay Fallon. Tinangka ring barahan ni Hernandez ang pinto ng selda mula sa loob, kinalangan ng iba’t ibang bagay ang pinto. Wala pa raw alam si Fallon kung may suicide note ang biktima.

Naiyak si Hernandez nitong Biyernes nang mapawalang-sala sa pamamaril at pagkakapatay kina Daniel de Abreu at Safiro Furtado sa Boston noong 2012.