Engagement ring ni John Lloyd kay Ellen P3M ang halaga

By

MAY pasabog sa kanyang Instagram account ang manager/host/columnist at ngayon ay social media influencer (na nga ba?) na si Nanay Lolit Solis.

Akalain mo ‘yun na of all people na makakausap siguro ng pinagbilhan daw ng engagement ring, take note, engagement ring talaga ang sinabi ni Nay Lolit na binili o binigay raw ni John Lloyd kay Ellen, eh, siya pa nga ang chinikahan.

So hayun, naka-post agad sa IG at sigurado, ang da­ming girls na talagang maiinggit kay Ellen ngayon.

Bukod sa pag-give up ni John Lloyd sa ilang projects niya, na ang chika nga ay magiging ama na nga ito sa ipinagbubuntis daw ni Ellen, at kung totoo nga ang nasagap na chika ni Nay Lolit, aba P3 million daw ang halaga ng engagement ring ni Ellen.

“Naku Salve na-meet ko iyon binilhan ni John Lloyd Cruz ng ring na binigay niya kay Ellen Adarna, shock ako at sure shock ka rin dahil muntik na ako matumba.

Sarap pala magmahal John Lloyd, grabe, pogi na generous pa. Yellow princess cut perfect diamond ang give niya kay Ellen ha, mukhang forever talaga ang pagmamahal sa kanya ni John Lloyd hay naku ilan ba tulad John Lloyd, hanap na girls hirap magkaruon ng 3M na ring hah!” sabi ni Nanay Lolit.

Teka, bakit engagement ring na, nag-propose na ba si John Lloyd kay Ellen at papuntang kasalan na nga ba ang dalawa?