En pointe in floral

By

Gustong um-statement sa outfit pero takot magmukhang ‘the walking plorera’? Nababagay sa’yo ang ilang mga sumusunod na suhestiyon to go floral… in style!

• Ipares sa skinny jeans. Magandang statement outfit na ang pagsusuot ng floral na damit. Upang ‘di magmukhang overwhelming ay ipares ang anumang floral top sa plain skinny jeans para sa isang ‘girly-girl’ but sophisticated na look.

• Patungan ng black leather­ jacket. Sa mga mas type ang ‘edgy’ na look sa pagrarampa ng bulaklaking damit, magandang ideyang patungan ito ng black leather jacket para sa ‘moto chic’ vibe na dating.

• Ipares sa textured na pang-itaas. Ibida ang floral printed na bottom sa pamamagitan ng pagsusuot ng textured na pang-itaas gaya ng crochet at lace tops. Nagpapaaliwalas ito ng overall look at nagbibigay din ng bagong dating sa floral printed­ na clothing pieces.

• Ibahin ang ‘flowers’. Kung palaging maliliit na bulaklak ang design ng floral outfit, mainam na palitan naman ito ng mas malalaking flower­ prints na nakasentro sa iisang banda lang ng damit. Tandaan lamang na ang ganitong klase ng floral print ay makakatawag ng higit na atensyon sa parte ng katawan kung saan ito lumalapat. Puwedeng ipuwesto ang bold floral print sa parte ng katawan na nais i-emphasize sa outfit na suot.

Bagama’t nagpapapalit-palit ang moda ng mga damit, walang dapat ipag-alala sa pagsusuot ng bulaklaking pattern dahil ito ay timeless at napakarami pang ibang paraan para i-update at pagandahin pang lalo ang ganitong look.