Ellen Adarna, Ogie Alcasid dinedma ni Bitoy sa Bubble Gang anniv

By

MALABONG imbitahan ang mga dating member ng Bubble Gang sa 22nd year anniversary celebration nila ngayong November 17 at 24  sa Kapuso Network.

Ang Bubble Gang ang tinaguriang ‘longest running gag show in the Philippine history’ dahil sa mahigit na dalawang dekada nitong pamamayagpag sa telebisyon.

Ayon sa front liner at creative consultant ng BG na si Michael V. nagawa na nilang imbitahan ang dating member ng show last year, at ayaw na nilang ulitin pa uli ito.

Sina Ogie Alcasid, Sam Pinto, Ellen Adarna, Ara Mina, Rufa Mae Quinto, ang mga dating cast ng show na nasa ibang istasyon na ngayon.

Isang musical show ang aasahang mapapanood sa BG na kakaiba sa mga nakaraang anniversary episode nila.

Ayon pa rin kay Michael V. na-inspire siya sa musical show sa school ng anak sa Ateneo, kaya naman ginusto nyang gawing musical din ang anniversary ng show nila this year.

Sa tanong kung ano ang sikreto ng longevity ng show, sumagot naman ang comedian-singer-performer na ang pagiging masaya at stress-free nilang magkakasama ang rason.

“Noong mga unang taon ng show ang laging iniisip namin ay ang ratings. Ngayon, masaya lang kami sa show, nag-e-enjoy kami sa ginagawa naming,” sey ni Bitoy.

To date, may 26 cast members na ang show, na itinuturing na pinakamalaki sa umeereng gag show. Bukod kay Michael V. kasama rin nila sina Kim Domingo, Chariz Solomon, Valeen Montenegro, Antonio Aquitania, Boy 2 Quizon, Paolo Contis, Jackie Rice, Denise Barbacena, Lovely Abella, Sef Cadayona, Betong Sumaya, Mikael Daez, Arra San Agustin, Jak Roberto, Archie Alemania, Arny Ross, Mikoy Morales, Ashley Rivera, Analyn Barro, Juancho Trivino, Jan Manuel, James Macasero, Rodfil Obeso, Myka Flores and Diego Llorico.

Kylie Padilla hindi pa pang-showbiz ang itsura

MUKHANG matatagalan pa bago makabalik sa showbiz si Kylie Padilla. Base sa Instagram post ng live-in partner niyang si Aljur Abrenica na kuha sa out of town vacation nila sa isang exclusive beach resort makikita ang malaking ipinagbago sa katawan ng Kapuso star.

Ang layo ng pigura ni Kylie noong dalaga pa siya kumpara ngayong may anak na siya.

Tumaba nang husto ang aktres na mapapansin sa photo nilang dalawa ni Aljur habang kumakain sila.

Kahit takpan pa ni Kylie ng cardigan ang kanyang katawan, halata pa rin ang taba niya.

Kunsabagay, wala pa naman sa plano ni Kylie ang bumalik agad sa trabaho lalo at kitang-kita naman na nababaliw siya sa anak nilang si Alas.

Gaya ng kanyang stepmother na si Mariel Padilla na asawa ng tatay niyang si Robin Padilla, hands on mom din si Kylie sa kanyang anak kaya hindi kataka-takang mapabayaan nito ang kanyang body. Ang hindi lang nagbago kay Kylie ay ang maganda niyang mukha.