Druggie tepok sa engkwentro

By

Isang lalaking sangkot sa kalakaran ng ilegal na droga ang hindi nagpahuli ng buhay sa mga tauhan ng pulisya matapos makipagbarilan sa mga aarestong pulis sa Lungsod ng Caloocan kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ng Caloocan City Police-North Extension Office, ganap umanong alas-singko ng hapon nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Block 55, Phase 12, Barangay 188, Tala ng nasabing lungsod.

Nakatanggap umano ng reklamo ang nasabing himpilan mula sa mga concerned citizen hinggil sa lantarang pagbibenta ng ipinagbabawal na gamot ng suspek na nakilala sa alyas na ‘Renier Legazpi’ sa nasabi ring lugar.

Kaya mabilis na nagsagawa ng operasyon ang pulisya subalit pinaulanan ng bala ng suspek ang mga awtoridad dahilan upang gantihan na siya ng putok na agaran nitong ikinasawi.

Naaresto din sa operasyon ang dalawa pang kasamahan ng suspek na sina Ayvelyn Quineonez at isang nakilala lamang sa alyas ‘Majid’ at narecover ng mga awtoridad ang isang kalibre .38, mga plastic sachet ng shabu, at mga drug paraphernalia.