DOLE kinalampag sa kontraktuwalisasyon

By
365

Muling kinastigo ng militanteng manggagawa si Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Silvestre Bello III sa kabiguan nitong tuparin ang pa­ngakong tatapusin ang kontraktuwalisasyon sa bansa.

Kahapon ay nagsagawa ng kilos-protesta ang Kilusang Mayo Uno (KMU) sa harap ng tanggapan ng DOLE sa Intramuros, Manila at iginiit na sa halip na dinggin ang apela ng mga manggagawa na tapusin ang kontraktuwalisasyon sa bansa ay nagdesisyon ang ahensya pabor sa mga employers sa inilabas na Department Order 168.

Una nang sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III ng DOLE na mawawala ang endo at ang kontraktuwalisasyon sa bansa kahit hindi na matapos ang anim na taong panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.


SHARE
Previous articleULO BUTAS SA AGAW-ARMAS
Next articleKKB sa Miss U