Doktor, tulak ng droga; 2 ex-cops, timbog

By

Hindi lang panggagamot sa mga maysakit ang trabaho ng isang doktor sa Quezon City dahil may iba pa pala itong pinagkakakitaan sa pamamagitan ng pagtutulak ng iligal na droga.

Kahapon ng madalin­g- araw, pitong tulak ng iligal na droga ang natimbog­, kabilang ang isang doktor at dalawang dating pulis sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Galas Police Station ng Quezon City Police District (QCDP), sa Bgy. Damayang Lagi, sa lungsod.

Iniharap ni QCPD Director, Police Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, ang mga suspek na nakilalang si Dr. Amante Ramos Valdepenas, 56-anyos ng No. 25 Q. Capitol Tower, Bgy. Damayang Lagi, QC.

Kabilang sa nadakip ang dalawang retiradong pulis na si Romme­l Manal­o Nogoy, 52-anyos at Almario Cristobal, 53-anyos; kapwa residente ng Bayanihan St., Bgy. Boni Serrano, sa nasabi ring lungsod.

Sa imbestigasyon ng Galas Police Station 11, dakong alas-12:30 ng mada­ling-araw, unang nasukol ng mga operatiba sa isinagawang operasyon sa Lapiligan St., Bgy. Doña Imelda ang mag live-in partner na sina Mark Anthony Pangilinan, 25-anyos at Maybel Tulang, 19-anyos; kapwa residente ng Bgy. Damayang Lagi, QC.

Sa himpilan ng pulisya, ikinanta ng dalawa ang pinagkukunan nila ng shabu pati ang mga kasabwat ng mga ito kaya agad nagkasa ng buy-bust operation bandang alas-dos ng madaling-araw laban sa mga suspek.

Si Dr. Valdepena at ang dalawang nabanggit na pulis, kasama ang da­lawa pang tulak ng droga ay naaresto sa Quezon Avenue, kanto ng Scout Borromeo.

Nabatid na itinatanggi pa ng doktor at dating mga pulis na sila ang pinagkukunan ng iligal na droga, subali­t habang inihaharap sa media ni Eleazar, ay tumunog ang cellphone ng isa sa mga nadakip at nang basahin ang text ay nakasaad doon na isang pusher ang umu-order ng shabu na nagkakahalaga ng P1,000.