Dina, naramdaman ang lalim ni Atom

By

ANG buong akala namin, ang pelikulang Citizen Jake ni Direk Mike de Leon ang napabalitang umatras sa pagsali sa Metro Manila Film Festival.

Hindi pala, ayon sa reliable source namin.

Hindi nag-submit ng script ang Citizen Jake dahil ang gusto nila ay finished film ang isa-submit,

Hindi lang kami tiyak kung ang Buy Bust ni Direk Erik Matti ang umatras dahil hindi napili ang script niya. Hindi na raw niya ito paaabutin sa finished film.

Ang Citizen Jake ang mas inaabangan namin kung makakapasok sa MMFF dahil ngayon lang uli mapapanood ang obra ni Direk Mike de Leon.

Nakausap namin ang isa sa mga cast sa Citizen Jake, si Dina Bonnevie na gumaganap na ina ng bidang si Atom Araullo.

Hindi sila madalas na magkaeksena ni Atom dahil more on flashback siya.

May isang heavy scene sila na talagang nag-internalize siya nang husto.

Akala niya, mag-uusap pa sila ni Atom pero tahimik lang itong Kapamilya news reporter.

Tinitingnan daw niya nang mabuti na parang si Oyo Sotto na ang tingin niya.

Kuwento ni Ms. D, “It was a super heavy drama, kasi, parang naloka ‘yung role ko du’n, eh, na parang close to na parang… ahh basta… as a result ng pambubugbog ng tatay niya.

“Tinitingnan ko siya, na-feel ko na parang malalim ‘yung bata.

“He’s deep… he doesn’t talk much. He talks just a few lines lang… but he’s more often than not na parang in his own thoughts, because I think he’s also co-writing the script.

“What I noticed is he’s very dedicated to his work. Gusto niyang maganda ang kalalabasan ng project.”

Kaya raw ni Atom na umarte kasabay ang mga beteranong aktor at dinirek pa ng isang magaling an Mike de Leon.

“I think he’s a born actor,

“Marunong naman siyang umarte,” puri ni Dina kay Atom.