DIEGO, TINAPOS ANG ISYU NILA NI CESAR

By

Diego Sofia
Diego & Sofia

BIBIDA na ang tamba­lang Sofia Andres at Diego Loyzaga sa bagong Kapamilya afternoon soap na Pusong Ligaw.

Ang sabi sa amin ni Sofia sa presscon ng prog­ramang papalit sa The Greatest Love, nagpapasalamat siya kay Lord na sinagot ang prayers nila ni Diego.

Hindi niya ma-explain ang feeling niya, pero sobrang saya dahil ang tagal nila itong hinintay, mga 2 years.

May times before na nagdududa na siya kung matutuloy pa ito at kung sila pa ni Diego ang magka-loveteam.

Pero ngayong heto na at eere na ang kanilang teleserye ay sobrang overwhelmed at blessed ang pakiramdam ng 18-anyos na Kapamilya star.

***

Ang sabi namin kay Diego, dumating itong biggest break niya sa telebisyon pagkatapos nu’ng pinagdaanan niyang personal kamakailan na sangkot ang kanyang ama na si Cesar Montano.

Anong feeling niya na after ng bagyo ay may kapalit na ganito?

“To be honest po, kung gusto n’yo po talaga na malaman ang katotohanan, hindi ko talaga in-expect na mangyayari ‘to,” bulalas ng 21-anyos na binata.

“Hindi ko talaga in-expect na matutuloy ‘to. Hindi ko in-expect na aabot ako dito, dito sa upuan na ‘to, sa harapan ninyong lahat ngayon. Pero nandito ako ngayon.”

Bakit niya nasabi ‘yon?

“Well, dahil doon sa mga pagsubok na pinagdaanan ko sa mga nakaraang buwan at taon.

“Syempre, mga personal na isyu ‘yun. Pero syempre, sigurado naman na alam n’yo kung ano ‘yung mga ‘yun.

“So, nawala lang po ang isip ko sa pag-aantay ng teleserye, nagulo lang ako nang konti. Pero I’m very, very happy to be here.

“I don’t know another time I’ve been this happy in my life na nandito na ako, kasama ko ‘tong mga ‘to (cast ng Pusong Ligaw), and nakapagsimula na kami.

“Nakita n’yo ba ‘yung trailer namin? Napakaganda! Ha! Ha! Ha! Alam mo ‘yun?!

“Parang there’s nothing more to be upset about, to be sad about. Ang nakalipas, nakalipas na. Masaya na ako kung nasaan ako ngayon.

“At happy talaga ako na kasama ko ‘tong mga ‘to,” nakangiting pakli ni Diego.

Matapos ang maaanghang na litanya niya kamakailan sa social media patungkol sa kanyang ama, kumusta na siya?

Masasabi niya bang natuldukan na ‘yung isyu na ‘yon?

“Me? I’m good because I’m busy. I’m busy doing what I love.

“This is my craft. Ito ‘yung puhunan ng buhay namin. Ito ‘yung tala­gang ginagawa ng isang artista, magkayod at magsikap para sa sarili at sa pamilya.

“So, in general, I am very, very good. But if you’re talking about the issue that happened in the past, hindi na siya issue sa akin.

“Kung tinatanong mo kung naayos man o hindi, basta sabihin na lang natin na naiwan na lang siya du’n sa past. Tapos na ‘yung isyu na ‘yun.

“At ang ginagawa ko ngayon, araw-araw nagtatrabaho. Happy ako sa ginagawa ko. Thank you.”

***

Pina-describe namin kay Diego kung ano na ang status nila ni Sofia.

Pabirong humirit ang co-star nilang si Beauty Gonzales kay Diego ng, “Friends or lovers?” na ikinaaliw ng press.

“Friends who love each other,” ang pa-cute na sagot dito ni Diego.

‘Yung totoo, ano na’ng relasyon nila ni Sofia?

“Kailangan bang lagyan ng label? Hindi, eh. Sa panahon ngayon, hindi na kailangan lagyan ng label ‘yang mga ‘yan, eh.

“Basta kami, nagkakaintindihan kami. ‘Yun naman yata ‘yung mahalaga, ‘di ba?”

O sige, gaano na lang niya kamahal si Sofia?

“Naku po, ‘yung mga tanong n’yo! Ha! Ha! Ha!

“Okey, ganito na lang. Dalawang taon kami na nagsama halos araw-araw dahil sa proyekto na ‘to, dahil sa paghahanda ng proyekto na ‘to.

“Mga ganu’n. Kasi, maliban dito (sa Pusong Ligaw), may Bloody Crayons pa kami na magkasama. Pelikula ‘yun. At ganu’n din, halos araw-araw ka­ming magkasama doon.

“So, kilala ko na si Sofia nang buong-buo. So, ‘yung friendship namin is the closest kind of friendship that you can ever have with another person.

“If you want a label, ‘yun na po ‘yun,” sambit ni Diego.

***

Eh si Sofia, anong masasabi? Mag-ano ba sila ni Diego?

“Ganu’n po, ‘yung sabi ni Diego. ‘Yun din po sana ‘yung sasabihin ko, eh. Ha! Ha! Ha!” tawa ng dalaga.

“‘Yung status namin po, parehas naman po talaga na mas nagkakaintindihan kami. Kasi, ‘yun ang mas importante ngayon.

“Kasi parehas na­ming gusto ang ginagawa namin, parehas naming pa­ngarap ito, magkaroon ng teleserye.

“I’m very happy, kasi nandiyan siya palagi for me. ‘Yung suporta niya, nandiyan. Nararamdaman ko talaga.

“At sobrang kilala ko na rin siya, eh. Hindi siya puwedeng mag-lie sa akin. Mga ganu’ng kind of relationship.”

Sundot ni Diego, “May usapan kasi kami ni Sofia na magtutulu­ngan kaming dalawa. It doesn’t have to have a label. Walang label.

“Basta magtutulu­ngan kaming dalawa para abutin ‘yung mga pangarap namin. At eto kami ngayon.”

Wala bang ibang girl na dine-date si Diego?

“Wala. Walang-wala.”

Eh si Sofia?

“Wala po.”

Sa Lunes (April 24) ang simula ng Pusong Ligaw sa Kapamilya Gold.