‘Di sigurado sa medalya: Handball team atras sa SEAG

By
103

Dahil sa pagpuwesto lang na pang-anim sa 2015 Singapore SEA Games at sa tingin ng asosasyon na hindi pa rin sila makapag-aambag ng kahit anong medalya, nagpasya ang Philippine Handball Federation Inc. na kanselahin ang paglahok sa 29th SEA Games 2017 sa sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Agosto 19-31.

Binunyag kahapon ito ni PHFI secretary general Dr. Ernesto Jay Adalem matapos na mabatid na hindi rin naman sila papasa sa criteria ng Philippine Sports Commission at maging sa PSC-POC SEA Games Task Force.

“We have athletes, but they are still young and hindi pa gaanong competitive as compared to our rival countries. So we’re thinking of prepa­ring them at ihanda na lamang sila sa susunod na edisyon ng SEA Games which will be held in the Philippines in 2019,” li­tanya ni Adalem.

Ang handball ang unang team sports na umatras sa nalalapit na biennial meet  matapos na hindi makatugon sa itinakdang criteria ng Task Force.

“Although our sport is still young in our country, we are closely looking at the criteria set by the Task Force. We are also looking at our realistic medal chances,” wakas ni Adalem.

Unang nilahukan ng national women’s  handball team ang 2013 Thailand SEAG maski dalawang buwan pa lang nabuo noon at pinangunahan ni dating national basketball player at SEAG fencing champion Joanna Franquelli. Su­mali rin ang tig-14 na lalaki at babaeng national teams sa 2016 IHF Trophy sa Jakarta, Indonesia noong Marso.


SHARE
Previous articleEPHESIANS 4:28
Next articleGSW dinomina ang Heat