De Guzman swak na sa men’s volley pool

By

Kahit wala pang napipili sa men’s ­national pool, panigurado na si John Vic de Guzman matapos siyang ­hiranging team captain.

Ang final lineup ng team na lalahok sa 29th Southeast Asian Games ay pipiliin pagkatapos ng kanilang nationwide tour.

Nasa pool sina ­Howard Mojica, Rey at Relan Taneo, Eddiemar at Esmail Kasim, Erickson Ramos, John Kenneth Sarcena, Peter Quiel, Ranran Abdilla, ­Lorenzo Capate Jr., Bonjomar Castel, Mark Alfafara, Reyson Fuentes, Jeff Ma­labanan, Anjo Pertiera, Geuel Asia, Mark Deximo, Dave Cabaron, John Carascal, Louie Chavez at JP Bugaoan.

Ayon kay head coach Sammy Acaylar, masipag at hindi lumiliban sa ensayo ang dating NCAA MVP na si De Guzman ng College of St. ­Benilde kaya impressed sa ­kanya ang ibang bumubuo ng Philippine team.