Daniel Matsunaga, halos hubo na sa Instagram

By

MULING nagising ang natutulog na dugo ng mga fans ni Da­niel Matsunaga sa magkakasunod na photos na pinost niya sa kanyang Instagram wall. Nabulabog ang mga fans ng actor-model sa kanyang latest pasabog.

Eh kasi nga, nag-post ng picture si Daniel na halos hubo na. Parang nu’ng nagsisimula pa lang siya bilang modelo sa Pinas ang naging peg niya sa mga pinoste niyang photos in grey and white.

Underwear lang ang suot ni Daniel sa mga photos niya at bukol na bukol ang kanyang ari, at nagmumura talaga ang kanyang mga abs.

Siyempre, humakot ng maraming comments at likes ang mga sexy photos na ‘yon ni Daniel.

Sa ganda ng physique ni Daniel, walang dudang pinaghandaan talaga niya ang pictorial na ito.

Kapansin-pansin lang ang pagbanggit ng isang follower ni Daniel ng pangalang Karolina Pisarek na siya raw girlfriend nito.

@imheretez, “Sorry paga-ari na siya ni @karolina_pisarek.”

Naging sentro ng comments thread ang tungkol dito na ikinainis ng ilang fans ni Daniel.

Nu’ng i-search namin sa IG ang pangalan ni Karolina, lumabas na ito ay isang modelo na naka-base sa Athens, Greece.

Walang direktang komento si Daniel na nagpapakilala kay Karolina at kung ano ito sa buhay niya sa ngayon.

Iritada lang ang ibang fans sa pagsawsaw o pagkakabanggit ng pangalan ni Karolina dahil karamihan sa mga fans ay umaasang magkakabalikan pa sina Erich at Daniel.