D-League semis siklab sa Marikina

By
403

Mga laro ngayon (Marikina Sports Complex)
3:00 p.m. — Cignal vs. Tanduay
5:00 p.m. — Café France vs. Racal

Sasandalan ng Cignal-San Beda ang eight-game winning streak laban sa Tanduay ngayong araw sa simula ng best-of-three semifinals sa PBA ­D-League Aspirants Cup.

Ibabandera ni San Beda coach Boyet Fernandez ang hugot na si Jason Perkins para itapat sa mga pambato ng Rhum Masters na sina ex-pros Mark Cruz at Jerwin Gaco sa Marikina Sports Complex.

“We just have to be ready and be prepared for them,” ani Fernandez. “We’d rather look at it at a game-to-game basis and not mind the streak. ”

Ayon kay Tanduay coach Lawrence Chongson, dehado sila sa laban.

“Underdogs kami d’yan. But we know we have everything to gain and nothing to lose,” ani Chongson.

Maghaharap sa isa pang pares ang Cafe France at Racal.

Nag-aalala si Bakers coach Egay Macaraya dahil nalaman ng second-seed Racal ang kanilang kahinaan sa zone defense matapos ang kanilang laro sa quarterfinals kontra JRU.