Counter election protest ni Robredo ipinadidismis

By

Pinadidismis na sa Presidential Electoral­ Tribunal (PET) ni da­ting Sen. Bongbong Marcos ang counter election protest ni Vice President Leni Robredo matapos itong mabigong magbayad ng counter protest fee na P15 milyon para sa kinukuwestiyong 31,278 clustered precincts.

Sa inihaing omnibus motion to dismiss, iginiit ni Marcos na ang kabiguan ni Robredo na tuma­lima sa hinihinging cash deposit ng PET ay batayan para ibasura na ang election protest nito.

Kasabay nito, hiniling din ni Marcos sa PET na itakda na ang preliminary conference sa kanyang inihaing election protest matapos siyang makapagbayad ng P36 milyon bilang paunang bayad.

Depensa naman ng kampo ni Robredo na umaasa silang reresolbahin muna ng PET ang kanilang mosyon.

Sa paliwanag ni Atty. Romulo Macalintal, batay sa Rules 65 ng PET ay dapat magbabayad lamang sila sa kanilang counter protest sa oras na maresolba muna ang protesta ni Marcos.