recipe

1. Ibabad ang pasta ng ilang oras or overnight at maluluto ito ng isang minuto. Puwede ding direkta na itong ilagay sa hot sauce sa kawali at doon na lutuin.

2. Gumamit ng kutsara pangbalat ng kiwi. Hiwain ang magkabilang dulo at i-slide ang kutsara sa ilalim ng balat, paikot.

3. Ilagay sa gitna ng dalawang takip ng plastic containers ang cherry tomato at saka ito hiwain ng sabay-sabay

4. Gadgarin ng luya gamit ang grater kesa hiwain at i-mince.

5. I-microwave ang lemon o kalamansi bago pigain para makakuha ng mas maraming katas.

6. Ilagay sa isang container ang bawang at alugin ito para sa mabilis na pagbabalat.

7. Gamitin ang apple slicer para i-cut ang patatas.

8. Pagkatapos pakuluan ang patatas, ilagay ito sa tubig na may yelo at balatan gamit ang kamay. Kusang matatanggal ang balat nito pagkaluto.

9. Balatan ang mga nilagang itlog ng sabay-sabay. Alugin sa kaldero o sa nakatakip na plastic container ang mga ito. Kusang matatanggal ang balat pagkatapos itong banlawan.

10. Kung maghihiwa ng herbs, lagyan ito ng konting asin para hindi ito lumipad.