College boy kinadyot ng tripper

By
398

Sugatan ang isang college student matapos itong saksakin sa kanang bahagi ng leeg ng isang salesman na kabilang sa grupo ng kalalakihan na mga lasing at naghaha­mon ng away, kamaka­lawa ng gabi sa Quiapo, Maynila.

Ayon kay SPO1 Ro­derick Kabigting, im­bestigador ng Manila ­Police District-Police Station (MPD-PS) 3, nagla­lakad ang biktimang si Patrick Albo, 18, estud­yante ng Technological Institute of the Philippines (TIP) at taga-198 MH Del Pilar St., Palatiw, Pasig City kasama ang kaibigan pasado alas-11 ng gabi sa may Matapang St., Quiapo, Maynila nang makita ng grupo nito ang grupo ng suspek na si Rocky Dagami, 29, salesman at taga-734 Matapang St., Quiapo, Maynila na hinahamon ang sinumang makitang dumaan.

Dahil dito, umiwas ang grupo ng biktima at nag-iba ng direksyon pero hinabol sila ni Joshua Carmelo, pamangkin ng suspek, 18, na sinundan ni Dagami.

Nang makalapit, walang sabi-sabing sinaksak ang biktima sa leeg na kaagad naman isinugod sa pagamutan ng kasama nitong si Jayvee Villa­nueva, 27.

Tinangka ng suspek na tumakas pero naaresto ito ng mga nagrespondeng pulis sa pangunguna ni PO1 Manday Dela Rosa, PO1 Alvin Kenneth Torres, PO1 Joseph Cruz at PO1 Joseph Garab.

Sinampahan naman ng kasong attempted murder sa Manila Pro­secutor’s Office ang mga suspek.


SHARE
Previous article1 SAMUEL 2:8
Next articleGREETINGS 02/18/2017