Christopher, gustong makipagtagisan kay Angelica

‘Angelica is on the top of her game… she is a very good actress!’

By

Sa young actresses ngayon, ang gusto niyang makadrama sparring ay ang The Unmarried Wife lead actress na Angelica Panganiban.

Paliwanag niya, “Nakatrabaho ko na siya sa isang teleserye pero we only had three scenes together.

“Gusto ko siyang makasama sa isang pelikula o TV series na mas marami pa kaming magiging eksena.

“Angelica is on the top of her game, she is a very good actress,”sabi pa ni Christopher.

***

KAPAG kausap mo pala ang orihinal na drama king, ang multi-awarded actor na si Christopher de Leon, dapat handa ka.

Habang kausap mo siya, diretso siyang tumingin sa iyong mga mata.

Angelica Panganiban
Angelica Panganiban

Para bang sinusukat, sinusuri, tinitimbang ang taong kapanayam. Hindi siya defensive. Lalong hindi siya combative.

Cool, composed at laging with full conviction ang mga salitang kanyang binibitawan.

Nakachika ko siya sa press payanig para sa On The Job serye, kung saan nag-volt in ang Globe Studios, Reality Entertainment at HOOQ (isang video-on-demand service flatform).

Ang papel ni Christopher ay publisher ng isang pahayagan kung saan si Bela Padilla ay isang investigative journalist.

Kuwento ni Boyet, “My role here, parang if you remember Broken Marriage, journalist din ang role ko du’n, mala gung-ho.

“Parang gano’n, more mature lang ‘yung character ko now. Mas balanse siya.

“He knows that lahat ng nasa paligid niya, may conflict of interest. The role was tailor-made for me.

“Hindi naman ako nag-audition.”

***

Masarap na bahagi sa pagiging aktor ni Boyet ang katotohanan na nakatrabaho na niya ang huling apat na reyna na sina Nora Aunor, Sharon Cuneta, Vilma Santos at Maricel Soriano.
Kasama rin siempre si Hilda Koronel.

Throwback kuwento ni Brother Bo, “Si Hilda, wow, she’s very pretty… and very intelligent pa.
“Lagi niya akong tinutukso sa shoots. Lalo na when she sees me studying my script.

“She taunts me. Sasabihin niya, ‘Nag-memorize ka pa.’ Tapos, she ends the taunting with an endearing, naughty laughter.

“She was at her prettiest as Anna, in Kung Mangarap Ka’t Magising,” pahayag ni Boyet.

***

Ang kanyang perennial screen partner ay si Vilma Santos at dalawa sa most unforgettable movies nila ay Relasyon at Broken Marriage.

Bakit ba grabe ang chemistry nila ni Ate Vi?

Sagot nito, “Kami kasi ni Vilma, when we do scenes together, bigayan talaga. Para kaming winning bastketball.

“May nag-a-assist kaya nakaka-shoot. That is how we work.

“Sa Relasyon, sa kanya talaga ‘yung death scene. I gave that to her. Pero ang paborito kong eksena du’n, ‘yun improve scene namin.

“Yung ayaw niya akong paalisin, kasi nga, we learned that her character was pregnant. Gustong-gusto ko si Vi du’n, ang galing niya du’n.

“To this day, I cannot forget the expression on her face sa eksenang ‘yun.”

***

Sa nag-iisang superstar na si Nora Aunor, “Ah, si Guy, she intimidates me. Kasi nga si Nora, maliit na babae, nakatayo lang siya sa harapan mo, tapos eto siya, umaarya and you see all emotions are in her eyes.

“Magnetic!

“Ayun, wala tuloy akong choice, napapaakting tuloy ako. Hahahaha!”

May masayang recollection tungkol sa pagsasama nilang tatlo nina Nora at Vilma sa Ikaw Ay Akin.

Sabi ng aktor, “Naku, hirap na hirap ako sa movie na ‘yun. Kasi nga that time, kahihiwalay lang namin ni Nora, tapos malapit kami ni Vilma.

“So, ‘yun ang first layer of tension.

“Tapos, nasa movie rin si Sandy Andolong. She just came from her studies in New York that time at crush na crush ko siya.

“Sabi ko nga kay direk Ishma (the late Ishamael Bernal), ‘Bernie, what are you doing to me? Are you trying to kill me?’ Hahahaha!

“So many women, so little time. Hahahaha!”

***

Kumustang katrabaho sina Maricel Soriano at Sharon Cuneta? Sabi ni de Leon, “Yung apat kasi, somehow, may pagkakapareho kaya ‘yung artistry at timing, innate sa kanilang apat.

“Si Guy at si Sharon, parehong singers. Si Vi at si Maricel naman, parehong mahusay sa pagsayaw.

“Pag aktor ka, pag silang apat ang kaeksena, you are always on your toes. You are expected to give your best, kasi nga, more than 100% ang ibinibigay nila.”

Dagdag kwento pa nito, “Si Sharon at Maricel, may isa pang similarities, before the take, naku they are so talkative.

“Walang palya sa kwentuhan. Pero pag take na, in the zone sila kaagad. In their character.

“Walang actor’s cue-actor’s cue.Agad-agad, they become the character assigned to them.

“Ako kasi, pag nasa shoot, hindi mo na ako makakausap, in character na when I arrive sa set.”


Quantcast