Abante Tonite Interactive

Chiefs dedepensa sa NCAA chess

By
18

Uumpisahan ng ­Arellano University ang pagdepensa sa kanilang titulo sa pagbubukas ng 92nd NCAA seniors chess tournament sa JRU Gym ngayong umaga.

Markado ang Chiefs sa pagsulong ng ­tatlong sunod na korona, mag-uumpisa ang event sa alas-onse ng umaga, guest of honor sa ­opening ceremonies si former Sen. Rene Saguisag.

Noong nakaraang season, inungusan ng Arellano ang Lyceum sa tiebreak para mapanatili ang titulo.

Tinalo ni Kyz Llantada si Jan Mirano sa top board para makapuwersa ng 2-2 draw pero ang panalo nito ang naging dahilan para mamayani ang Chiefs sa tiebreak.

Pakay naman ng San Beda ang second straight crown sa juniors.